Isang lalaki ang nasawi matapos pagbabarilin sa Sitio Kanluran, Barangay Talao-Talao, sa Lucena City alas-11:30 ng gabi nitong Setyembre 18.
Kinilala ng Lucena Police ang biktima sa Reynaldo na natagpuang duguan sa kalsada na may tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Agad siyang isinugod ng mga rumespondeng pulis sa Quezon Medical Hospital ngunit idineklarang patay dakong 12:44 ng hatinggabi .
Samantala, mabilis na tumakas ang suspek na nakilala sa alyas na Andy at dala pa umano ang ginamit na baril. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inaalam na rin ang motibo sa krimen. | BChannel news