Sa kabila ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Paolo, nananatiling normal ang operasyon ng transmission grid sa buong bansa ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
Ayon sa NGCP, walang naiulat na pinsala sa kanilang mga pasilidad matapos ang pagtama ng bagyo.
Dahil din sa paglabas ni Paolo sa Philippine Area of Responsibility at wala na itong direktang banta sa kanilang operasyon, ide-deactivate na ang Overall Command Center o OCmC.
Gayunman, tiniyak ng NGCP na patuloy pa rin nilang mino-monitor ang lagay ng panahon at handa silang i-reactivate ang command center sakaling magkaroon muli ng banta sa kanilang transmission facilities.
Muling pinagtitibay ng NGCP ang kanilang commitment na mapanatili ang stability at reliability ng power transmission network sa buong bansa. | PR