Patay ang isang tricycle driver matapos barilin ng kapwa niya driver sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal, pasado alas-3 ng hapon, October 3, 2025.
Batay sa imbestigasyon Rodriguez Police, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek dahil sa isyu ng pamamasada ng pasahero kahit bawal dahil sa umiiral na number coding scheme.
Sa kasagsagan ng pagtatalo, bigla umanong bumunot ng baril ang suspek at binaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek sakay ng kanyang tricycle patungong Villa San Isidro. Dinala naman ang biktima sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.
Kinilala ang biktima na si Romeo, 56 anyos, residente ng Barangay San Isidro, habang ang suspek ay si Rolando, 40 anyos, vendor at kapwa tricycle driver.
Sa follow-up operation ng mga pulis, nakilala ang suspek at nabawi rin ang ginamit nitong tricycle sa pagtakas.
Patuloy naman ang isinasagawang operasyon para sa agarang pagkakaaresto ng suspek. | BChannel news