Mariing pinabulaanan ng Philippine National Police ang kumakalat na Facebook post na nagsasabing inutusan umano ni Acting PNP Chief, PLTGEN Jose Melencio Nartatez Jr., ang mga pulis na suwayin ang Pangulo ng Pilipinas.
Ayon sa PNP, peke at malisyoso ang naturang post na layong magdulot ng kalituhan at sirain ang tiwala sa kanilang institusyon.
Binigyang-diin ng pambansang pulisya ang kanilang matatag na katapatan sa Konstitusyon at kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa ngayon, iniimbestigahan na ng PNP ang pinagmulan ng maling impormasyon at nakatakdang sampahan ng kaso ang mga responsable. | BChannel new