Diskwalipikado na si Cabuyao City Mayor Dennis Felipe Hain matapos ideklarang guilty ng Commission on Elections First Division sa kasong may kinalaman sa umano’y pamimili ng boto.
Sa inilabas na resolusyon ng Comelec First Division para sa kasong SPA No. 25-100 (DC), pinagtibay ng komisyon na si Hain ay lumabag sa batas laban sa vote-buying matapos mapatunayan na ang naturang gawain ay naganap sa gitna ng kampanya para sa 2025 National and Local Elections.
Dahil dito, ipinagkaloob ng Comelec ang petisyon para sa diskwalipikasyon ni Hain at opisyal siyang tinanggal bilang kandidato sa pagka-alkalde ng Cabuyao City, Laguna.
Batay sa desisyon, malinaw umanong nagkaroon ng ilegal na pamimili ng boto habang kandidato pa si Hain, bagay na labag sa Omnibus Election Code.
Sa ngayon, inaasahang maaari pang umapela si Hain sa Comelec en banc o sa mas mataas na korte. | BChannel news