Magiging mas mahal na ang toll sa Manila-Cavite Expressway o CAVITEX simula Martes, Oktubre 28, 2025. Ayon sa pamunuan ng expressway, inaprubahan na ng Toll Regulatory Board ang bagong toll rates.
Para sa CAVITEX R1 portion mula Seaside hanggang Zapote, ang bagong toll ay ₱39 para sa Class 1, ₱78 sa Class 2, at ₱117 sa Class 3.
Samantala, sa R1 Extension mula Zapote hanggang Kawit, ipapatupad ito sa dalawang yugto. Sa unang tranche ngayong taon, ₱88 para sa Class 1, ₱176 sa Class 2, at ₱264 sa Class 3.
Upang maibsan ang epekto sa mga motorista, muling ipatutupad ng kumpanya ang “Abante Program,” kung saan mananatiling sa lumang toll rates ang mga rehistradong pampasaherong sasakyan at agri trucks sa loob ng 90 araw.