Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang patay sa damuhang bahagi ng Brgy. Ilayang Dupay sa Lucena City, Quezon pasado alas-otso ng umaga, Nobyembre 16.
Ayon sa Lucena City Police Station, nadiskubre ang bangkay ng construction worker na si Ramilo, 56-anyos, habang ito ay nagpapakain ng kanyang kalabaw.
Nakaamoy umano siya ng masangsang na amoy at dito niya nakita ang nakahandusay na katawan ng biktima na halos hindi na makilala dahil naaagnas na ang buong katawan nito.
Ang lalaki ay nakasuot ng puting T-shirt at shorts na puno ng putik, at tinatayang may taas na 5’7.
Agad humingi ng tulong ang mga pulis sa Quezon Provincial Forensic Unit para sa crime scene processing at patuloy pa ang imbestigasyon upang tukuyin ang pagkakakilanlan ng biktima at malaman ang sanhi ng pagkamatay. | BChannel news