Naging matagumpay ang isinagawang kauna-unahang Housing Forum 2025 ng Chamber of Real Estate & Builders’ Associations, Inc., o CREBA Batangas Chapter, ngayong Biyernes, Nobyembre 28 sa Brgy. Bolbok, Batangas City.

Tampok sa forum ang mga eksperto at opisyal mula sa real estate industry.
Pinangunahan ang naturang programa ni Aurora Realon, Presidente ng CREBA Batangas.

Binigyang-diin niya ang misyon ng organisasyon na itaguyod ang responsable at lisensyadong real estate development, makipagtulungan sa gobyerno, at siguraduhing sumusunod ang lahat ng proyekto sa batas upang protektado ang mga mamimili.
Ayon kay Realon, layunin ng CREBA Batangas na palakasin ang ugnayan sa gobyerno at bigyang-diin ang propesyonalismo ng mga builders, engineers, at architects sa lungsod.

Tinalakay sa forum ni Ms. Avelina Acuña, VP for Academic Affairs, ang kahalagahan ng edukasyon sa real estate at ang Executive Diploma Program in Real Estate Management sa De La Salle-College of Saint Benilde, na nagbibigay daan para maging CREBA-Certified Real Estate Professional ang mga kasali.

Tinalakay rin ng Updates sa real estate market values ni Ms. Ophel mula sa Batangas City Assessor sa pamamagitan ng representative ni Engr. Ruel Bool.

Ibinahagi naman ni Allan Willard Estillore ng DENR-CENRO Lipa City ang pinakabagong mga polisiya at gabay sa titling ng agricultural at residential lands.

Habang si Jocelyn Yumul, VP for Chapter Affairs ng CREBA, ay nagbigay ng mensahe ukol sa kinabukasan ng housing sa bansa.

Tinalakay ni CREBA National Director Techie Bautista ang “4 Pillars of Real Estate Development”—land, finance, production, at beneficiary buyers—at ang suporta ng CREBA sa gobyerno upang mabawasan ang backlog sa pabahay.

Samantala, si Demetrio Posadas, VP for Housing Affairs, ay nagpakilala ng modular housing construction at ang kahalagahan nito sa redefining affordable housing, gamit ang teknolohiyang precast concrete mula sa becmodular.
Dumalo rin si Batangas City Mayor Marvey Mariño bilang guest speaker, at ibinahagi ang plano ng lungsod na mas paunlarin ang industriya, lalo na sa industrial at business developments kaysa residential property revenues.
Layunin nitong maging competitive ang Batangas City, pabilisin ang proseso ng negosyo, at mas palakasin ang partnership ng public at private sector. Ipinagmalaki ng mayor ang ekonomiya ng lungsod bilang ika-3 sa bansa sa pinakamalaking deposits sa bangko, pati na rin ang maraming unibersidad tulad ng BatStateU, LPU, UB, at ang sektor ng agrikultura. Binanggit din niya ang potensyal na gawing parking at commercial areas ang ilang properties at ang pagpapalakas ng ospital at health sector.

Ipinahayag sa forum ang layunin ng CREBA na itaguyod ang “Business with a Social Conscience” at siguraduhing may tahanan ang bawat Pilipino. | BChannel news