Patay ang isang rider matapos mabangga ng puting SUV sa Diversion Road, Barangay Bolbok, Batangas City, ngayong Biyernes nang tanghali, December 12.
Ayon naman kay PCOL GEOVANNY EMERICK A SIBALO, Acting Provincial Director, ang trahedyang ito ay paalala sa lahat sa kahalagahan ng maingat at responsable na pagmamaneho.
Tiniyak naman ng Batangas Police Provincial Office ang masusing imbestigasyon upang makamit ang katarungan para sa pamilya ng biktima. | BChannel news | 📸 Batangas PPO