Inihain ni Senator Jinggoy Estrada ang Senate Bill 1001 o Parking Fee Regulation Act na layong gawing standard ang singil sa parking at tiyaking mananagot ang mga establisimyento kapag may nasira o nawalang sasakyan.
Ayon kay Estrada, nagiging pahirap na ang sobrang mahal at magulong sistema ng parking, kaya’t panahon na para protektahan ang mga motorista.
Sa panukala, papayagan pa rin ang libreng parking pero kung may singil, dapat fixed ang rates: P50 para sa unang 8 oras ng kotse at P30 para sa motorsiklo, may dagdag na P10 kada oras.
May limit din sa overnight at valet fees.
Ipapamandato rin ang 30-minute grace period at libreng parking para sa mga customer na may gastos na hindi bababa sa isang libo.
Mahigpit ding ipagbabawal ang mga waiver tulad ng “Park at your own risk,” dahil dapat managot ang mga establisimyento kapag may aberya. Obligado ring maglabas ng resibo at malinaw na i-display ang rates, kung hindi ay may multa at posibleng parusa.
Target ng panukala na gawing patas, malinaw, at hindi pabigat ang parking para sa publiko. | BChannel news