Arestado ang isang 36-anyos na babaeng vendor matapos umanong magnakaw ng gold pendant sa isang tindahan sa Barangay 3, Lipa City, Batangas.
Bandang alas-9:45 ng umaga noong Enero a-4, nagpapanggap umanong kostumer ang suspek sa isang jewelry business. Habang abala ang biktima sa ibang customer, palihim na kinuha ng suspek ang isang heart-shaped na gintong palawit at isinilid sa kaniyang pink na sling bag bago tumakas.
Agad siyang hinabol ng biktima at nabawi ang gintong alahas na nagkakahalaga ng mahigit labing pitong libong piso. Humingi ng tulong ang biktima sa pulisya na nauwi sa pagkakaaresto ng suspek.
Nasa kustodiya na ngayon ng Lipa City Police ang suspek at inihahanda na ang kasong theft. Patuloy ring iniimbestigahan kung may iba pa siyang kasabwat sa mga salisi incident sa lugar. | BChannel news