Isang 54-anyos na lalaki ang sugatan matapos aksidenteng maputukan ng baril ang kanyang ari habang nakikipag-inuman sa Sitio Lipatan, Barangay Lucsuhin sa Calatagan, Batangas, Sabado ng gabi.
Ayon sa Calatagan Police Station, biglang pumutok ang nakasukbit na converted improvised handgun na kalibre .22 sa baywang ng biktima na si Emil habang nakikipagtalo sa mga kainuman.
Duguan ang biktima kaya agad siyang isinugod sa ospital at patuloy na inoobserbahan. Hindi na narekober ang baril dahil umano’y itinapon ito ng biktima sa ilog matapos ang insidente. | BChannel news