Nasabat ng Bureau of Customs ang dalawang parcel na naglalaman ng mahigit pitong milyong pisong halaga ng hinihinalang ecstasy sa Port of Clark sa Pampanga.
Ayon sa BOC, idineklara ang kargamento bilang car mats na nagmula sa Austria at patungong Davao City.
Ngunit sa isinagawang inspeksyon matapos mapansin ang kahina-hinalang X-ray images, tumambad ang kabuuang 4,124 ecstasy tablets na nagkakahalaga ng mahigit pitong milyon piso.
Nagpositibo sa illegal na droga ang mga nakumpiskang tableta at isinailalim na sa confirmatory laboratory examination ng PDEA.
Mag-iisyu ang BOC ng warrant of seizure and detention laban sa mga parcel dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.