Isang 31-anyos na construction worker ang nasawi matapos umanong mauling sa Sitio Tibagan, Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal noong gabi ng Enero a-27.
Ayon sa Regional PNP-4A, bandang alas-6 ng gabi nang mangyari ang insidente at madaling-araw na ng Enero a-28 nang ireport ng saksi sa PCP 3 na pumanaw ang biktima sa Cabading Hospital.
Batay sa salaysay, lasing umano ang biktima at naging agresibo matapos makilala ang mga suspek na sangkot daw sa naunang pambubugbog sa kanyang tiyuhin.
Nauwi ito sa komprontasyon at pisikal na sagupaan. Sa gitna ng gulo, dumating umano ang ina ng mga suspek at hinampas ng metal pipe ang biktima hanggang sa matumba. Pagkatapos, pinagtulungan pa umanong sipain sa ulo ang biktima hanggang mawalan ng malay.
Dinala ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival bandang alas-6 bente ng gabi. Rumesponde ang pulisya ngunit nakatakas na ang tatlong suspek na ngayon ay tinutugis at nananatiling at-large.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. | BChannel news