Isang 36 anyos na lalaki ang natagpuang duguan at wala nang buhay sa gitna ng kalsada sa Purok 1, Barangay Palo-Alto, Calamba City, Laguna madaling araw ng Pebrero 13.
Ayon sa Police Regional Office 4A, bandang alas-6:30 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang pulisya mula sa 911 kaugnay ng insidente at agad itong rumesponde.
Ayon sa nagsumbong, napadaan lamang sila ng kanyang asawa sa lugar nang makita ang biktima na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo kaya agad itong ipinaalam sa barangay.
Hinihinala naman ng asawa ng biktima ang isang lalaking may personal umanong galit sa kanyang mister matapos masangkot sa pagkakakulong ng ina nito sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga. Lumalabas din na may usapan ang dalawa na magkita sa mismong lugar kung saan natagpuan ang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, kabilang ang pag-review ng CCTV at crime scene processing, habang tinutugis ang suspek na nananatiling at-large. | BChannel news