
Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang konstruksyon ng anim na palapag na gusali para sa Polytechnic University of the Philippines – College of Communication sa Sta. Mesa, Manila nitong March 19, 2026.

Target ng proyekto na magbigay ng mas modern at mas malawak na pasilidad para sa mga estudyante, kabilang ang 14 classrooms, dalawang laboratories, auditorium, at faculty rooms.

Ayon sa DPWH, magkakaroon din ito ng digital newsrooms, audio-visual rooms, at research labs para mas mapalakas ang hands-on training ng mga communication students.
Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin at bigyang prayoridad ang infrastructure projects sa mga unibersidad.
Tiniyak naman ng DPWH ang “ingat, kalidad, at bilis” sa pagpapatayo ng gusali para sa kapakinabangan ng mga estudyante at guro. | BChannel News |