Nasa full swing na ang konstruksyon ng South Luzon Container Terminal sa Bauan, Batangas na inaasahang magiging pangalawang pinakamalaking container terminal sa bansa.
Pinangunahan ito ng Department of Transportation, Bureau of Customs, at International Container Terminal Services Incorporated.
Ayon kay Transportation Secretary Banoy Lopez, malaking tulong ang proyektong ito para mapalakas ang kalakalan sa Southern Luzon, lalo na sa CALABARZON, at makalikha ng mas maraming trabaho.
Dagdag pa niya, makakatulong din ito para mabawasan ang pagsisikip ng port operations sa Metro Manila at mapabuti ang supply chain sa buong bansa.
Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang mga infrastructure project katuwang ang pribadong sektor upang mapalago ang ekonomiya sa mga rehiyon.
Dumalo rin sa paglulunsad ang ilang opisyal ng pamahalaan at international partners, kabilang ang dating Prime Minister ng Japan na si Yukio Hatoyama.
Target magsimula ang Phase 1 construction mula Mayo hanggang Setyembre 2027, at inaasahang makukumpleto ang proyekto pagsapit ng 2028.
Kapag fully operational na, gagamit ang terminal ng makabagong teknolohiya tulad ng remote-controlled cranes at hybrid equipment, at inaasahang makakahawak ng mahigit dalawang milyong container units kada taon. | BChannel News | 📸 DOTr