Inaprubahan ng Senado ang panukalang Basic Education Voucher Program Act na inakda at ini-sponsor ni Senator Bam Aquino, na layong mabawasan ang siksikan sa public schools at mapalawak ang access sa mas maayos na edukasyon.
Sa ilalim ng panukala, maaaring ilipat ang mga estudyante mula sa congested public schools patungo sa mga kalahok na private schools gamit ang government-funded vouchers.
Ayon kay Aquino, tugon ito sa kakulangan ng mahigit 165,000 classrooms sa bansa, na nagdudulot ng overcrowding at shifting schedules sa maraming paaralan.
Prayoridad sa programa ang mga estudyanteng mula sa low-income households, kabilang ang mga pamilyang benepisyaryo ng 4Ps, mga nasa GIDA o geographically isolated and disadvantaged areas, Indigenous Peoples, persons with disabilities, at iba pang vulnerable sectors.
May inilatag ding safeguards laban sa fraud, kabilang ang mas mahigpit na monitoring at parusa sa mga lalabag upang matiyak na mapupunta ang vouchers sa tunay na nangangailangan.
Ayon pa kay Aquino, layunin ng panukala na walang batang maiiwan sa edukasyon habang tinutulungan ding ma-decongest ang public school system at mapalakas ang papel ng private schools sa basic education.