Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Lalaki arestado matapos umano managa sa inuman sa Tanauan City, Batangas

crime scene do not cross signage

Isang 34-anyos na lalaki ang arestado matapos umanong managa ng kasamahan sa gitna ng inuman sa Zone 7, Barangay Tinurik sa lungsod ng Tanauan, Batangas, gabi ng May 24.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman umano ang suspek na si Gerald, ang kanyang live-in partner, at ang biktima na si Jason sa bahay ng suspek nang mauwi sa mainitang pagtatalo ang usapan.

Sa gitna ng gulo, sinubukan umanong saktan ng suspek gamit ang matalim na bagay ang kanyang kinakasama.

Sinubukan umanong awatin ng 37-anyos na biktima ang suspek, pero siya naman ang napagbalingan ng galit at tinamaan ng sugat sa kanang pulso at kaliwang bahagi ng dibdib.

Agad namang tumawag sa 911 ang kinakasama ng suspek kaya rumesponde ang mga pulis at naaresto ang lalaki bandang hatinggabi ng May 25.

Sa ngayon, hindi pa nare-recover ng pulisya ang ginamit na armas habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. | BChannel News