Patay ang isang lalaki matapos malunod habang naliligo sa isang creek sa Brgy. Muntindilaw, Antipolo City, Rizal nitong Huwebes ng hapon.
Ayon sa imbestigasyon ng Antipolo City Police Station, naliligo umano ang biktima na si Rodel kasama ang kaniyang mga kaibigan habang nag-iinuman sa lugar bandang alas-2 ng hapon. Pero habang lumalangoy at sumisid sa mas malalim na bahagi ng creek, tinangay umano ito ng malakas na agos ng tubig at hindi na muling lumutang.
Agad namang humingi ng tulong ang mga kasama ng biktima sa ama nito at sa mga residente sa lugar, kasama ang emergency response team ng Barangay Muntindilaw.
Tumagal ng halos 25 minuto ang retrieval operation bago narekober ang katawan ng biktima na wala nang buhay. | BChannel News