Naglabas ng pahayag ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) kaugnay sa quorum o bilang ng senador na kailangan para makapag-conduct ng official business ang Senado sa session noong June 3, 2026.
Ayon sa IBP, puwedeng i-apply ang Supreme Court ruling na Avelino v. Cuenco noong 1949 sa pag-determine kung valid ang quorum ng Senado.

Sa paliwanag ng IBP, may dalawang senador na hindi na isinama sa bilang ng quorum. Isa ay kasalukuyang detained dahil sa non-bailable offense, habang ang isa naman ay hindi matunton at nawawala mula pa noong May 11, 2026.
Dahil dito, sinabi ng IBP na hindi sila puwedeng piliting dumalo at itinuturing na outside the Senate’s control. Kaya sa 24 senators, 22 na lang ang kinonsiderang available.
Sa 22 available, 12 senators ang itinuturing na majority kaya sapat ito para makabuo ng quorum at makapagpatuloy ng session.
Ipinunto rin ng IBP ang Avelino doctrine na nagsasabing dapat praktikal ang interpretation ng Constitution para hindi ma-paralyze ang trabaho ng Senado kahit may absent na hindi na talaga makokompel.

Kaya ayon sa IBP, ang June 3 Senate session ay maituturing na valid at legal. Lahat ng naging aksyon at desisyon dito ay presumed official acts ng Senado maliban kung mapapatunayang iba.
Sa gitna ng usapin sa attendance at legitimacy ng sessions, nagbigay ang IBP ng legal perspective na pabor sa pagiging valid ng naturang pagpupulong.