Nagkaroon ng insidente sa Frankfurt Airport sa Germany matapos biglang bumigay ang nose landing gear ng isang Boeing 787-9 ng Lufthansa habang nasa gate.
Nangyari ito bandang 12:45 ng tanghali habang inihahanda ang flight LH450 na papuntang Los Angeles, pero wala pang pasahero sa loob. Tanging crew at ground personnel lamang ang sakay nang maganap ang insidente.
Ayon sa airline, ilang tauhan ang nagtamo ng minor injuries, kabilang ang dalawang cabin crew at ilang ground staff na agad dinala sa ospital para sa pagsusuri.
Dahil dito, kinansela ang flight at nagkaroon ng malaking pinsala ang aircraft. Ililipat ito sa maintenance hangar para sa mas detalyadong inspeksyon at repair.
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng nangyaring pag-collapse ng landing gear habang sinusuri ng mga eksperto ang eroplano.