Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Itaewon St. Cafe, magbubukas ng bagong branch sa Tanauan City, Batangas

May panibagong tambayan para sa coffee lovers sa Batangas matapos ihayag ng Itaewon St. Cafe ang nalalapit nitong pagbubukas ng ika-7 branch sa Barangay Darasa, Tanauan City, Batangas.

Kilala ang Korean-inspired cafe sa kanilang cozy ambiance, mga signature drinks tulad ng Iced Itaewon Latte, at iba’t ibang pagkain kabilang ang Bulgogi K-Sandwich. Sa kasalukuyan, mayroon na silang mga branch sa Batangas City, Bauan, San Pascual, at Lipa City.

Ayon sa kumpanya, bahagi ang bagong branch ng kanilang patuloy na pagpapalawak sa Batangas habang target nilang madagdagan pa ang kanilang mga lokasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa mga susunod na taon.

Bukod sa kape at pagkain, ipinagmamalaki rin ng cafe ang libreng parking sa lahat ng kanilang branch at ang kanilang layuning magbigay ng dekalidad na produkto at maayos na serbisyo sa kanilang mga customer.

Ang cafe chain ay itinatag nina Jherald Espeleta at Rassel Joyce Espeleta sa ilalim ng Geros Group of Companies. Ayon sa kumpanya, nagsimula ang kanilang entrepreneurial journey noong 2013 sa maliit na negosyo na kalaunan ay lumago at naging bahagi ng isang mas malaking kumpanya na nakabase sa Batangas City.

Sa inaasahang pagbubukas ng panibagong branch sa Tanauan City, mas maraming Batangueño na ang magkakaroon ng pagkakataong maranasan ang kanilang Korean-inspired cafe experience nang mas malapit sa kanilang lugar.

Sa ngayon, wala pang inaanunsyo na petsa ang naturang cafe para sa pagbubukas ng kanilang ika-7 branch. | JayPamintuan #BCBrandLab