Nabahala ang pulisya matapos makuhanan ng baril at patalim ang dalawang estudyante sa Aparri School of Arts and Trade sa Aparri, Cagayan nitong June 26.

Ayon sa initial report, isinagawa ang inspeksyon pasado 11:28 ng umaga sa harap mismo ng school principal. Dito nakuha mula sa isang Grade 10 student ang isang caliber .38 na baril, habang isang kitchen knife naman ang natagpuan sa Grade 8 student.

Batay sa imbestigasyon ng PNP at 2nd Provincial Mobile Force Company, lumitaw na dala ng mga estudyante ang mga armas dahil sa personal na alitan at umano’y cutting class.
Patuloy na iniimbestigahan ang insidente, habang pinapaalalahanan ang mga paaralan at magulang na bantayan ang kaligtasan at kilos ng mga kabataan.