Aabot sa ₱374,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng pulisya sa isang buy-bust operation sa Barangay Wawa, Batangas City noong July 14.
Nakumpiska sa operasyon ang 55 gramo ng hinihinalang iligal na droga mula sa isang 67-anyos na mangingisda na itinuturing na high-value individual.
Ayon sa Batangas Police Provincial Office, nahuli ang suspek habang umano’y nagbebenta ng shabu sa isang undercover operative.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Batangas Component City Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.