Opens in a new tab
Skip to content
National

Unang Spaceport sa Pilipinas, planong itayo sa Cagayan

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address o SONA ang plano ng gobyerno na itayo ang kauna-unahang spaceport sa Pilipinas sa Cagayan.

Ayon sa Pangulo, ang lokasyon at potensyal ng Cagayan ang dahilan kung bakit ito napiling maging sentro ng mga space-related activities sa bansa.

Dagdag pa niya, nakatakda ring magsagawa ng sounding rocket launch test sa susunod na taon sa pakikipagtulungan ng isang South Korean aerospace company. Ito ang magiging isa sa mga unang hakbang ng Pilipinas sa mas malawak na pag-develop ng space technology.

Inaasahan na ang planong spaceport ay makatutulong sa aerospace research, technology development, at paglago ng mga industriya na may kaugnayan sa kalawakan. Layunin din nitong mapalawak ang papel ng Pilipinas sa global space sector at makalikha ng mas maraming oportunidad sa larangan ng science, innovation, at emerging technologies. | BChannel News