Naaresto ng mga operatiba ng Tanauan Component City Police Station ang isang Provincial Level Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation sa Barangay Talaga, Tanauan City, Batangas nitong Hulyo 30, 2026.
Kinilala ng PNP Batangas Police Provincial Office ang nadakip na si “Richard,” 42-anyos, residente ng naturang barangay. Siya ay inaresto sa bisa ng isang warrant of arrest na inilabas noong Disyembre 3, 2024 kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Ayon sa mga awtoridad, dinala na sa kustodiya ng Tanauan Component City Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang legal na proseso.
Patuloy naman ang operasyon ng pulisya laban sa iba pang mga wanted person sa lalawigan ng Batangas