Patay ang hindi bababa sa limang katao habang 41 iba pa ang nawawala matapos masunog ang isang ferry sa karagatan ng Indonesia nitong Linggo.
Ayon sa Basarnas o National Search and Rescue Agency ng Indonesia, umabot sa 225 pasahero at tripulante ang nailigtas. Ilan sa mga sakay ang napilitang tumalon sa dagat upang makaligtas at kalaunan ay nasagip ng mga kalapit na sasakyang pandagat.
Naganap ang insidente habang naglalayag ang ferry mula Surabaya sa East Java patungong Makassar sa South Sulawesi. Sinabi ng mga awtoridad na nakatanggap sila ng ulat mula sa kapitan tungkol sa sunog, ngunit nawalan na umano ng komunikasyon matapos nito.
Patuloy ang search and rescue operations habang tinutukoy pa ang kinaroroonan ng mga nawawalang pasahero.
Ayon sa Indonesian authorities, prayoridad sa ngayon ang ligtas na paglikas at pagsagip sa mga naapektuhan ng insidente. | BChannel News | Photo: BASARNAS) / AFP