Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Tropical Depression Luis na namataan 165 kilometro silangan ng Echague, Isabela alas-10 ng umaga ng Agosto 3.
Taglay nito ang lakas ng hanging 45 kilometers per hour at pagbugsong umaabot sa 55 kilometers per hour habang kumikilos pahilaga sa bilis na 15 kilometers per hour.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Cagayan, Isabela, Quirino, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at Aurora dahil sa banta ng malalakas na hangin.
Ayon sa PAGASA, posible pang magdulot ng malalakas na ulan ang bagyo sa mga bahagi ng Northern at Central Luzon, kabilang ang Metro Manila, Cavite, Batangas, Bulacan, Pampanga, at Pangasinan. Binalaan din ang publiko sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Inaasahan namang kikilos si Luis pa-northwest at maaaring tumama o dumaan malapit sa Northern Luzon ngayong gabi o madaling araw ng Agosto 4, bago tuluyang kumurba pa-silangan at lumayo sa kalupaan.