Opens in a new tab
Skip to content
National

Alex Eala, Nasungkit ang Unang WTA Title sa Washington

Nakamit ng Filipina tennis star na si Alex Eala ang kauna-unahan niyang WTA Tour championship matapos talunin ang world number 3 na si Jessica Pegula sa finals ng Mubadala DC Open sa Washington, D.C., sa iskor na 4-6, 6-4, 6-0.

Inabot ng dalawang araw ang laban matapos maantala ng malakas na ulan.

 

Matapos maagaw ni Pegula ang unang set, nakabawi si Eala sa ikalawang set bago tuluyang dominahin ang deciding set para maselyuhan ang kanyang pinakamalaking tagumpay sa professional tennis.

Naging kauna-unahang Southeast Asian player si Eala na nagwagi sa isang WTA 500 tournament. Ito rin ang kanyang ikatlong professional title.

 

Bago makarating sa finals, tinalo rin ni Eala ang ilang matataas na seeded players kabilang sina Elina Svitolina, Naomi Osaka, Leylah Fernandez, at Zheng Qinwen.

Ayon sa 21-anyos na Pinay, hindi niya inasahan na matatapos ang linggo na tangan ang kampeonato. Inaasahan din na papasok siya sa Top 20 ng WTA rankings sa unang pagkakataon sa kanyang karera.

Kasunod ng kanyang tagumpay, maghahanda naman si Eala para sa kanyang kampanya sa Canadian Open sa Ontario simula Agosto 5.