Opens in a new tab
Skip to content
Health

VAT-Exempt na Gamot, Umabot na sa 2,277 Produkto ayon sa BIR

Pinalawak ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang listahan ng mga gamot na hindi saklaw ng Value-Added Tax o VAT, matapos madagdagan ng 14 na bagong gamot ang kasalukuyang talaan.

Dahil dito, umabot na sa 2,277 produkto ang maaaring maibenta nang walang 12 porsyentong VAT, na inaasahang makatutulong sa pagpapababa ng gastusin ng mga pasyente sa pagpapagamot.

Kabilang sa mga sakop ng VAT exemption ang mga gamot para sa kanser, altapresyon, diabetes, sakit sa pag-iisip, mataas na cholesterol, sakit sa bato, at tuberculosis.

Ayon sa BIR, layunin ng hakbang na gawing mas abot-kaya ang mga mahahalagang gamot, lalo na para sa mga pasyenteng sumasailalim sa pangmatagalang gamutan.

Agad nang ipinatutupad ang bagong listahan sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular No. 87-2026.