Opens in a new tab
Skip to content
Business

Big-Time Rollback sa Diesel at Gasolina, Posibleng Maramdaman sa Susunod na Linggo

close up photo of a gasoline pump

Posibleng bumaba ng humigit-kumulang P4.50 hanggang P5 kada litro ang presyo ng diesel at gasolina sa Agosto 11, ayon sa paunang pagtataya ng industriya ng langis.

Ayon sa ilang kumpanya ng langis, nakatulong sa pagbaba ng presyo ang pagluwag ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, na nagpababa sa pangamba sa pandaigdigang oil market.

Kung magtutuloy-tuloy ang trend, isa ito sa pinakamalalaking rollback sa mga nakaraang buwan at maaaring magbigay ng ginhawa sa mga motorista at sektor ng transportasyon.

Ilalabas naman ng mga oil company ang pinal na anunsyo ng price adjustment sa darating na Lunes. | BChannel news