Opens in a new tab
Skip to content
Local

Manggagawa Patay, Isa Sugatan sa Pagbagsak ng Crane sa Laguna

Isang 41-anyos na manggagawa ang nasawi habang isa pa ang nasugatan matapos gumuho ang isang launching gantry o crane sa proyekto ng SCRP CP05 South Railway sa Barangay Tagapo, Santa Rosa City, Laguna noong Agosto 6.

Batay sa paunang imbestigasyon ng PRO CALABARZON, nasa gitna ng kanilang trabaho ang dalawang operator nang biglang bumigay ang crane at bumagsak kasama ang mga biktima.

Idineklarang patay ng mga medical personnel si Jay-Ar, 41 anyos, habang dinala naman sa Hospital si Wang, 38 anyos para sa agarang gamutan matapos magtamo ng mga pinsala.

Agad namang rumesponde ang mga pulis at rescue teams sa lugar. Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng pagbagsak ng kagamitan at kung may paglabag sa mga umiiral na safety protocol sa construction site. | BChannel News