Opens in a new tab
Skip to content
Business

Mas maraming biyahe sa Türkiye, target na magpababa ng gastos sa OFWs

Maaaring maging mas magaan ang biyahe ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs na dumadaan sa Türkiye matapos ihain ng Department of Transportation o DOTr ang panukalang espesyal na airfare discounts para sa mga Pilipinong manggagawa.

Inihayag ito kasabay ng Philippines-Türkiye Air Consultation Talks na ginanap sa Istanbul, Türkiye, kung saan tinalakay rin ang pagpapalawak ng air service agreement ng dalawang bansa.

Ayon kay Transportation Secretary Banoy Lopez, malaking tulong ang mas murang pamasahe lalo na sa mga OFW na ginagamit ang Istanbul bilang transit point patungo sa iba’t ibang bansa sa Europe at Middle East.

Sa ilalim ng bagong kasunduan, madaragdagan ang flights sa rutang Manila-Istanbul mula sa kasalukuyang iskedyul hanggang 14 flights kada linggo, o katumbas ng dalawang biyahe bawat araw. Wala ring itinakdang limitasyon para sa mga flight mula sa Cebu, Davao, at Clark.

Inaasahang magbibigay ito ng mas maraming pagpipilian sa biyahe at mas maginhawang koneksyon para sa mga pasahero. | BChannel News