Opens in a new tab
Skip to content
Business

Pax Silica project, nagbukas ng panibagong usapin sa paggamit ng lupa

Muling nanawagan si Senador Raffy Tulfo para sa agarang pagpasa ng National Land Use Act, kasabay ng patuloy na pagsusuri ng Senado sa kontrobersyal na Pax Silica project sa New Clark City.

Ayon kay Tulfo, ipinapakita ng proyekto ang pangangailangan ng mas malinaw na patakaran sa paggamit ng lupa upang maiwasan ang mga sigalot sa pagmamay-ari ng lupa at hindi planadong development.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, tinalakay ang posibleng epekto ng proyekto sa suplay ng tubig at kuryente, gayundin ang mga pangamba ng ilang sektor tungkol sa mga komunidad, kabilang ang mga magsasaka at indigenous peoples.

Kasama rin sa usapin ang mga tanong tungkol sa environmental safeguards at pamamahala sa mga posibleng industrial waste na maaaring malikha ng proyekto.

Bukod sa Pax Silica project, natalakay rin sa pagdinig ang mga iniulat na paglabag sa kapaligiran na kinasasangkutan ng Chuang Sing steel plant sa Pampanga.

Ayon kay Tulfo, makatutulong ang isang National Land Use Act upang magkaroon ng mas malinaw na gabay sa malalaking development projects habang isinasaalang-alang ang pangangalaga sa kalikasan at mga apektadong komunidad.