Opens in a new tab
Skip to content
Local

Babae, patay sa pamamaril sa Antipolo City; 4 suspek, tumakas

crime scene do not cross signage

Isang hindi pa nakikilalang babae ang nasawi matapos pagbabarilin ng apat na hindi pa nakikilalang suspek sa tabi ng Seminario Church sa Barangay Inarawan, Antipolo City, gabi ng Agosto 18.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Antipolo City Police Station, bandang 11:55 PM nang biglang lapitan ng apat na suspek ang biktima habang nakatayo sa lugar. Madilim at maulan noon nang mangyari ang pamamaril.

Sakay ng dalawang motorsiklo ang mga suspek at agad na tumakas matapos ang insidente. Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang eksaktong kalibre ng mga baril na ginamit at wala pa ring malinaw na motibo sa pamamaril.

Isinugod ang biktima sa Hospital, pero idineklarang dead on arrival.

May dala umanong dog tag ang biktima na may pangalang “AIZA,”.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, kabilang ang paghahanap ng mga saksi, pag-review ng CCTV footage at scene assessment para matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at mga suspek. | BChannel news