Opens in a new tab
Skip to content
Livelihood

Poverty rate sa Pilipinas, bumaba sa 9.7%; 6.5 milyong pilipino, nakatawid sa kahirapan

Bumaba sa 9.7 percent ang poverty incidence sa Pilipinas noong 2025, mula sa 15.5 percent noong 2023 kung saan ang pinakamababang naitala sa kasalukuyang poverty statistics ng bansa.

Batay sa Philippine Statistics Authority, tinatayang 6.5 milyong Pilipino ang nakaangat mula sa poverty line sa pagitan ng 2023 at 2025.

Para sa Department of Social Welfare and Development o DSWD, kabilang sa mga posibleng nakatulong sa pagbaba ng poverty rate ang mga social protection program gaya ng 4Ps, Walang Gutom Program, Assistance to Individuals in Crisis Situation at Sustainable Livelihood Program.

Itinuturing naman ng ahensya na mahalagang milestone ang pagkamit ng single-digit poverty target na itinakda sa Philippine Development Plan, tatlong taon bago ang target.

Gayunman, ang pagbaba ng poverty incidence ay isang national statistical result, at hindi nito awtomatikong nangangahulugang lahat ng pamilyang mahirap ay nakaahon na. Patuloy pa ring nakatuon ang pamahalaan sa trabaho, kabuhayan at iba pang social protection programs para sa mga pamilyang nananatiling nangangailangan ng suporta. | BChannel News