Malaki ang inilago ng ekonomiya ng Davao Region noong 2025, pero kasabay nito ang tanong kung paano magiging konkretong benepisyo ito para sa mga ordinaryong Mindanaoan.
Umabot sa P1.14 trillion ang economic output ng rehiyon, matapos lumago ng 5.1 percent. Mas mabilis ito kumpara sa 4.4 percent na growth ng buong bansa.
Sa economic briefing sa Davao City nitong August 24, sinabi ni Finance Secretary Frederick Go na may malaking potential ang Mindanao para sa investments sa agriculture, manufacturing, energy, tourism, logistics at digital services.
Pero hindi lang pagpasok ng malalaking negosyo ang binigyang-diin. Ayon sa finance secretary, mahalaga ring mauwi ang economic growth sa mas maraming trabaho at oportunidad para sa mga Pilipino.
Kabilang sa mga plano ng gobyerno ang pagpapabilis ng infrastructure projects at pagbabago sa ilang rules para mas maging madali ang pagnenegosyo at pagpasok ng investments.
Gayunman, sinabi rin ni Go na bumagal ang economic growth ng bansa sa mga nakaraang bahagi ng taon, na iniuugnay niya sa mas mababang government spending. Inaasahan namang muling bumilis ang ekonomiya habang pinapabilis ang infrastructure spending. | BChannel News