Opens in a new tab
Skip to content
Education

Marcos pinirmahan ang batas para mas mapalawak ang tulong sa College Students

Nilagdaan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 12325 na nag-aamyenda sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act, para mas mapalawak ang financial assistance para sa mga estudyanteng gustong makapagtapos ng college o technical-vocational education.

Layunin ng bagong batas na mas matulungan ang mga estudyanteng mula sa mahihirap at disadvantaged families, kabilang ang mga qualified beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Bukod sa libreng tuition at school fees sa state universities, local universities at colleges, at state-run technical-vocational institutions, pinalawak din ng batas ang Tertiary Education Subsidy o TES.

Kasama na rito ang assistance para sa internship o Related Learning Experience, professional licensure expenses, at allowances para sa students with disabilities. Maaari ring magkaroon ng hanggang isang taong extension sa pagkumpleto ng programa kung may valid na dahilan.

May pilot program din para matulungan ang disadvantaged students na naka-enroll sa priority programs ng piling private higher education institutions at technical-vocational schools.

Inaatasan naman ang UniFAST Board na i-review at i-adjust ang TES amounts kada dalawang taon, para matugunan ang pagbabago sa presyo ng education at cost of living.

Magkakaroon din ng single learner reference code para mas madaling ma-track ang beneficiaries mula secondary hanggang tertiary education.

Samantala, magtatayo ang CHED at TESDA ng formal committees para tugunan ang complaints ng mga estudyante, habang kailangan ding magsumite ng annual report sa Kongreso tungkol sa resulta at paggamit ng pondo ng programa.

Ayon kay Marcos, hindi lang dapat mabuksan ang access sa education na dapat matulungan din ang mga estudyante na manatili sa paaralan, makatapos, at magkaroon ng skills para sa trabaho.