Mula sa 32,000 bagong teachers na napondohan ngayong 2026, magiging zero ang bagong teacher hiring ng DepEd sa 2027 kung mananatili ang kasalukuyang proposed budget ng ahensya.
Walang nakalaang pondo para sa bagong public school teachers sa 2027 National Expenditure Program, ayon mismo kay Education Secretary Sonny Angara sa budget hearing ng Kongreso.
Mas mababa rin ang kabuuang proposed budget ng DepEd. Nasa P973.40 billion ito para sa 2027, o 3.87 percent na mas mababa kumpara sa humigit-kumulang P1.01 trillion ngayong taon.
Sa kabila nito, may request ang DepEd na P49.16 billion para sa personnel improvement. Kabilang dito ang P4.29 billion na kailangan sana para makapag-hire ng 14,274 teachers.
Malaki ang agwat kumpara sa 2026, kung kailan may pondo ang DepEd para sa 32,000 teachers kung saan mas mataas sa karaniwang 20,000 teachers na nahihire ng ahensya bawat taon.
Hindi lang teacher positions ang hinihinging dagdag na pondo.
May P16.64 billion para sa 39,428 Project Development Officer I positions at P10.52 billion para sa 14,126 School Principal I posts.
Kung hindi mababago ang proposed budget, hindi maisasagawa ang bagong teacher hiring gamit ang kasalukuyang allocation.
Pero hindi pa final ang budget.
Kasunod na pag-aaralan ng mga mambabatas ang proposed P7.2-trillion national spending plan, at maaari pa nilang baguhin ang allocation ng bawat ahensya.
Umaasa ang DepEd na maisama sa budget process ang kanilang request para sa teacher hiring. | BChannel News