Nasa 720 engineering at technology students ang unang sumabak sa bagong paraan ng pag-aaral ng Batangas State University The National Engineering University o BatStateU The NEU, kung saan ang classroom learning ay inilalapit mismo sa actual industry.
Nasa LIMA Estate sa Don Jose, Malvar, Batangas ang BatStateU LIMA Campus, isang industrial area na may mahigit 200 global manufacturers at tinatayang 75,000 workers.
Sa halip na puro classroom lessons, bahagi ng Industry-Based Learning o IBL ang actual industry experience. Kasama ang mga kumpanya sa pagbuo ng ilang lessons, projects, assessment at training ng students.
Noong August 17, 2026, tinanggap ng campus ang 720 pioneer students sa interim facility. Nauna namang inilunsad ang BatStateU LIMA noong November 2025, habang ginagawa pa ang permanenteng 10-hectare campus.
Ibig sabihin, ang target ng modelo ay mas maagang mailapit ang mga estudyante sa skills at technology na ginagamit talaga sa workplace.
Kabilang sa ipinakita sa pagbisita ni President Ferdinand R. Marcos Jr. noong September 7 ang TRIOE, para sa hands-on learning sa electronics, coding at connected devices; ParallaxED, isang mixed-reality learning platform; at Smart Factory setup na may robotic arm at Automated Guided Vehicle o AGV.
May 10 undergraduate engineering programs at 8 graduate programs ang BatStateU. May Industry Microcredentialing Programs at ETEEAP pathways din para sa working professionals na gustong makakuha ng degree gamit ang kanilang prior learning at industry experience.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Marcos na kailangang mas iangkop ang education at training sa pangangailangan ng industries dahil may skills mismatch at mga trabahong mahirap punan.