Sugatan at kasalukuyang naka-confine sa ospital ang isang 43-anyos na lalaki matapos barilin sa kaliwang hita sa J. Rizal Street, Barangay Poblacion, San Juan, Batangas, dakong alas-11:20 ng umaga nitong November 10, 2026.
Batay sa initial investigation ng San Juan Municipal Police Station, sakay ng motorsiklo ang biktimang si Marlon at papunta sana sa bahay ng kanyang bayaw nang biglang sumulpot ang suspek na kinilalang si Nilo at nagpaputok ng hindi pa matukoy na uri ng baril.
Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek patungong silangan. Humingi naman ng tulong ang biktima sa kanyang bayaw na siyang nagdala sa kanya sa San Juan District Hospital para malapatan ng lunas.
Agad nagsagawa ng dragnet operation ang pulisya para maaresto ang suspek na residente ng Barangay Palingowak at nananatiling at large. Patuloy ang follow-up investigation para matukoy ang motibo sa pamamaril at mahuli ang suspek na mahaharap sa kasong frustrated murder. | BChannel news