May malaking improvement sa performance ng Filipino learners sa PISA 2025, kung saan naitala ng Pilipinas ang pinakamataas nitong scores sa reading, mathematics at science.
Ayon sa Department of Education, umakyat sa 373 ang science score, 371 sa mathematics, at 367 sa reading.
Mas mataas ito ng 17 points sa science, 16 points sa mathematics, at 20 points sa reading kumpara sa 2022 results.
Tumaas din ang bilang ng learners na umabot sa Level 2, o baseline proficiency. Sa science, mula 23 percent naging 32 percent; mathematics, 16 percent naging 21 percent; at reading, 24 percent naging 31 percent.
Sa mean scores, nalampasan ng Pilipinas ang 14 countries sa science, 16 sa mathematics, at 18 sa reading.
Sa 10-year trend analysis ng OECD, pinakamabilis ang improvement ng Pilipinas sa reading performance.
Gayunman, sinabi ng DepEd na hindi pa tapos ang trabaho, at kailangan pang tutukan ang learners na nahihirapan, pati ang equal access sa quality education. | BChannel News