Opens in a new tab
Skip to content
Health

25,000 cancer patients target mabigyan ng P150,000 sa 2027

Mas malaking financial support ang nakalaan sa public hospitals at cancer patients sa proposed national budget para sa 2027, para mabawasan ang gastos ng mga Pilipinong nagpapagamot.

Aabot sa PHP107.29 billion ang proposed funding para sa 72 Department of Health o DOH regional hospitals at iba pang health facilities. Mas mataas ito ng PHP1.30 billion kumpara sa 2026 allocation.

Malaking bahagi ng dagdag na pondo ay mapupunta sa Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE. Gagamitin ito para sa medicines, basic hospital services, daily operations, at pagpapalakas ng specialized at tertiary care.

Kasama rin sa budget ang pagpapatuloy ng Zero Balance Billing o ZBB, na layong alisin ang out-of-pocket payment ng qualified patients para sa mga covered hospital services.

Ayon kay President Ferdinand R. Marcos Jr., dapat makita ng publiko ang epekto ng national budget sa mas maayos na healthcare services.

Samantala, PHP74.45 billion ang proposed funding para sa PhilHealth. Target namang umabot sa 11.09 million beneficiaries ang coverage sa 2027, mula sa 10.65 million ngayong taon, kasabay ng dagdag na benefit packages at pagpapatuloy ng ZBB.

Nauna nang inaprubahan ng Department of Budget and Management ang PHP10.377 billion para dagdagan ang ZBB funds. Dito, PHP9.377 billion ang inilaan para sa DOH hospitals nationwide.

Mas malaking tulong din ang nakalaan para sa cancer patients. Ang proposed Cancer Assistance Fund ay tataasan sa PHP3.75 billion, o 150 percent increase mula sa PHP1.50 billion noong 2026.

Target nitong makapagbigay ng hanggang PHP150,000 bawat pasyente para sa 25,000 cancer patients, gamit ang 36 designated cancer care access sites sa DOH-retained at local government unit-operated hospitals.

Kasama sa mga cancer na bibigyan ng suporta ang breast, lung, colorectal, at liver cancer, partikular para sa diagnosis at life-saving treatment.

Dagdag pa rito, PHP25.39 billion ang proposed budget para sa National Health Workforce Support System, mula sa PHP23.36 billion ngayong 2026. Layunin nitong palakasin ang deployment ng doctors, nurses, at iba pang health professionals.

Sa Metro Manila naman, 14 DOH hospitals ang nakatakdang tumanggap ng proposed PHP28.19 billion sa 2027.

Sa kabuuan, ang bagong budget proposal ay nakatuon hindi lang sa pagpapalakas ng mga ospital, kundi sa pagbawas ng direktang gastos ng mga pasyente habang mas inilalapit ang healthcare services sa mga nangangailangan.