Extended for the sixth time ang medical leave ni Senator Loren Legarda, at mananatili siyang naka-leave hanggang ikalawang linggo ng October, ayon kay Senate Secretary Rey Bantug nitong September 21.
Sakop ng bagong leave ang September 21 hanggang 23, September 28 hanggang October 2, at October 5 hanggang 9.
Unang nag-file si Legarda ng medical leave noong August 3 hanggang 5. Nanatili rin siya sa abroad matapos umalis papuntang France noong August 2.
Samantala, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na may concern siya sa matagal na absence ng senador habang iniimbestigahan ang alegasyon ng iregularidad sa solar energy projects na nagkakahalaga ng P10.44 billion.
Itinanggi naman ni Legarda ang mga alegasyon, na tinawag niyang “utterly false and baseless.” Ayon sa ilang senador, sumasailalim siya sa treatment para sa isang serious lung-related illness.