Opens in a new tab
Skip to content
International

Pinoy sa France, binalaan laban sa illegal na sabong at sugal

red and black rooster on green grass

Nagpaalala ang Philippine Embassy sa France sa mga Pilipino roon na umiwas sa illegal gambling at cockfighting matapos makatanggap ng alerto mula sa French authorities tungkol sa mga aktibidad na isinasagawa ng ilang Pilipino.

Ayon sa Embahada, may mga reklamo rin tungkol sa disturbance to the peace o panggugulo sa katahimikan, pati na sa pagkakalat na iniuugnay sa mga naturang aktibidad.

Bukod sa pagiging ilegal, sinabi ng Embahada na ang illegal cockfighting ay itinuturing na animal cruelty sa France. Maaari itong humantong sa tatlong taong pagkakakulong at multang 45,000 euros.

Kaya naman pinaalalahanan ang mga Pilipinong nakatira at nagtatrabaho sa France na sundin ang mga batas ng bansa, lalo na pagdating sa pagsusugal at sabong.

Hinikayat din ng Embahada ang Filipino community na panatilihin ang magandang reputasyon ng mga Pilipino at igalang ang mga batas at komunidad ng kanilang French hosts.