Opens in a new tab
Skip to content
National

Bagyong posibleng pumasok sa PAR, maaring lumakas hanggang typhoon Queenie

Posibleng maging mas malakas ang isang tropical cyclone na kasalukuyang nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility o PAR.

Ayon sa PAGASA, ang tropical depression ay inaasahang lilipat northwestward sa susunod na 12 oras bago tumungo west-northwestward sa mga susunod na araw.

Inaasahang papasok ito sa PAR sa Huwebes, September 24, at kapag nasa loob na ng bansa, tatawagin itong Queenie.

Ayon sa forecast, maaari itong lumakas bilang Tropical Storm pagsapit ng September 23, bago pa man pumasok sa PAR, at posibleng umabot sa Typhoon category ngayong weekend. Posible rin ang karagdagang paglakas nito lampas sa five-day forecast.

Gayunman, sinabi ng PAGASA na hindi inaasahang direktang makakaapekto ang tropical cyclone sa weather at sea conditions sa bansa sa susunod na 3 araw.

Samantala, ang trough o extension ng weather disturbance ay magdadala ng scattered rains at thunderstorms sa Eastern Visayas, Caraga, Davao Oriental, Misamis Oriental at Camiguin.

May posibilidad naman ng flash floods at landslides dahil sa moderate to heavy rains.

As of 3 a.m., nasa 1,920 kilometers east of Southern Luzon ang tropical depression.

Sa ibang bahagi ng bansa, isolated rain showers naman ang posible dahil sa localized thunderstorms. Pinapayuhan ang publiko at disaster risk reduction offices na patuloy na bantayan ang updates ng PAGASA.