Nagdesisyon ang Senate Impeachment Court na ang mga senator-judge na hindi legally at factually kayang makilahok sa impeachment proceedings ay hindi na isasama sa bilang kapag kinukuwenta ang two-thirds vote para sa conviction ni Vice President Sara Duterte.
Sa 13-1 vote, binaligtad ng court ang dating ruling na kailangan ng 16 votes mula sa 24-member Senate. Sa bagong formula, 20 senator-judges ang magiging basehan, kaya 14 votes ang kailangan para makabuo ng two-thirds majority.
Kasama sa hindi nakalahok sa trial sina Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta na parehong detained, Ronald “Bato” dela Rosa na hindi dumadalo dahil sa arrest order ng International Criminal Court, at Loren Legarda na naka-medical leave.
Nilinaw naman ni Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero, na siyang nag-iisang bumoto laban sa bagong ruling, na hindi binago ang constitutional requirement na two-thirds. Ang binago lang umano ay kung sino ang isasama sa computation.
Samantala, hindi sumang-ayon ang defense ni Duterte sa pagbabago ng threshold habang ongoing ang trial. Ayon sa abogado, nakasaad sa Constitution ang “all members of the Senate,” at hindi “all members present” o “all members participating.”
Sinabi naman ng House prosecution na tuloy ang kanilang trabaho at target nilang matapos ang presentation ng ebidensya sa alleged unexplained wealth ni Duterte within October.