Dalawang female immigration officers ang sinuspinde ng Bureau of Immigration o BI matapos umanong magkaroon ng physical altercation sa NAIA Terminal 3 noong Martes ng gabi, September 22.
Ayon sa initial investigation, nagsimula ang confrontation nang hilingin umano ng isang officer sa kanyang kasamahan na kausapin ang partner nito, na sinasabing dati niyang partner, tungkol sa financial support para sa kanilang anak.
Uminit ang kanilang pag-uusap hanggang sa mauwi umano sa paghila ng buhok at pananampal, habang nasa harap ng mga pasahero.
Dahil dito, pansamantalang inalis sa kanilang mga post ang dalawang officer habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Samantala, iniutos ni Manila International Airport Authority General Manager Eric Ines ang pag-preserve ng CCTV footage mula sa MIAA at Bureau of Immigration na sakop ang lugar ng insidente.
Sinabi ni Ines na unfortunate at embarrassing ang nangyari, lalo na’t nangyari ito sa harap mismo ng mga pasahero.
Inirekomenda rin ng mga awtoridad ang pagkansela ng airport access passes ng dalawang immigration officers habang tinutukoy ang buong detalye ng insidente. | BChannel news