Posibleng lumakas bilang Typhoon catregory si Queenie bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility, pero hindi inaasahang direktang makakaapekto sa panahon sa bansa.
Ayon sa PAGASA, as of 10:00 AM ngayong September 25, mino-monitor ang Tropical Storm “Queenie,” na may international name na “Surigae,”, habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Batay sa 8:00 AM observation, nasa 885 kilometers east of Extreme Northern Luzon ang sentro ng bagyo, sa layong humigit-kumulang 19.9 degrees North at 130.4 degrees East.
Taglay nito ang maximum sustained winds na 75 kilometers per hour at gustiness na umaabot sa 90 kilometers per hour.
Kumikilos si Queenie northwestward sa bilis na 25 kilometers per hour.
Gayunman, sinabi ng weather bureau na hindi inaasahang direktang makaapekto si Queenie sa weather condition ng bansa.
Wala ring Tropical Cyclone Wind Signal na nakataas sa anumang bahagi ng bansa dahil sa bagyo.
Inaasahang lalabas si Queenie sa Philippine Area of Responsibility pagsapit ng Sunday afternoon o early Monday.